Dalawang Anyo Ng Panitikan At Halimbawa

Dalawang anyo ng panitikan at halimbawa

Answer:

Dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

1. TULUYAN o PROSA

(Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loo

ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

2. patula o panulaan

(Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ngsalitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ngmga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mgataludtod sa isang saknong.

Anyo at Uri ng Panitikan

1. tuluyan o prosa

(Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loobng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mgabagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayarihinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnayang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwangpangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay maydalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mgapagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng ibat ibangkabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literarygenre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maramingtiyak na istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mgabagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mgapabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimitnangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan angisang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok natauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos atnagsasalita gaya ng tao.


Comments

Popular posts from this blog

What Is Taught In College Algebra?

Explain What Is Meant By The Statement "Plants Don\T Need Us But We Need Plants"

What Is The Meaning Of The Seven Ages Of Man?